One Goal: Education for All

Monday, April 13, 2009

Para sa mga batang pinagkaitan ng laya...

Nilikha ka ng kapusukan o pagmamahal,
Nagbungang buhay ay binuhay,
Ngunit nakakubling buhay ang buhay.

Hinabing istorya’t isiniwalat,
Pangsikil sa layang dapat,
Pangtakip sa walang hanggan,
Pangsinop sa katotohanan.

Musmos ma’y dapat lumaya,
Nang matutong magpalaya.
Kahihiyan ipagparaya,
Kapalit ng paglaya.

Nakakalunos na paslit,
Binigyang buhay,
Ngunit ninakawan ng laya
At karapatan.
Marapat pang kitlin,
Kaysa habang buhay bilanguin.

No comments: