*Fan ako ng local comedy films. Babalu, Redford White, Rene Requestas; patay na sila si Empoy naman. Maikli lang to bilang puro tawa ginawa ko dun.*
1. Babala: nakakapagod ang palabas na ito -physical, emotional, intellectual haha
2. Epektibong komedyante si Empoy. May mga eksenang feeling ko horror film ang pinapanuod ko kasi hindi ko kayang panuorin. Kumain muna bago manuod para may sapat na lakas.
3. Sobrang taas at bilis ng pagdevelop ng emosyon. Kaya ayun, sobrang sakit din.
4. Iniisip ko kung tini take advantage niya si Lea pero naisip ko kahit naman yung mga nakakakita nate-take advantage din
5. Gusto ko yung pagconnect ng kwentong buhay nila sa pagbibilang. Iba iba ang ating karanasan. Yung nakita mo pwedeng hindi niya nakita. Yung naramdaman mo pwedeng hindi niya naramdaman.
6. Nakakabulag ang pag-ibig. Nakakaloko din kahit ayaw mong magpaloko.
7. Nung binalikan niya yung mga 'happy places', nadurog ako dun!
8. Pag bumitaw ka na sa sakit at pait ng nakaraan, makakakita ka na.
Filipino film to, manuod kayo :)
Wednesday, July 26, 2017
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment