One Goal: Education for All

Friday, August 4, 2017

FINALLY FOUND SOMEONE

DEAR FUTURE HUSBAND,

No pressure. Take your time. Be the man that God wants you to be.


Your future wife


*Sinubaybayan ko ang istoryang Laida at Miggy pero para sa pelikulang ito, binitawan ko muna ang alaala at kilig ko sa kanilang dalawa dahil ayokong mag-compare.

*Umaandar ang soksay thoughts ko sa gitna ng luha at kilig.

1. Kinilig ako sa soksay flavor. Fake news, trolls, media mileage, conditioning, sensationalising: mga gawaing umiiral upang paglaruan ang persepsyon at imahinasyon ng masa.

2. Minsan sa pagnanais nating mapagtakpan ang ating kahihiyan at kumita ng salapi, kinakasangkapan natin ang iba.

3. Ang paglaya sa sakit na dulot ng nakaraan ay nagsisimula sa pag-aming nasaktan ka at kasunod ay ang kagustuhan magpatawad.

4. Sa kagustuhang manatili ang mabangong pangalan minsan pinaniniwala natin ang mga tao na ayos lang ang lahat hanggang tayo mismo hindi na din natin alam ang mismong kalagayan natin.

5. Lies have consequences and these are compounding.

6. Matindi pa rin ang kilig ko sa #AshLloyd. Humusay si Sarah G. Mukhang nakatulong na may lovelife na siya hahaha. At si JLC, soooo JLC, ayun na!

7. Generally conservative film, as usual.

8. Nakarelate ako sa kwento ni Gian, sa family background niya at mga sakripisyo sa pamilya. Naluha ako, mga tatlong patak to be exact.

9. Minsan hindi hadlang ang galit at sakit ng nakaraan para magmahal.

10. Gaano ka man alipustahin ng lipunan, ang mahalaga may pamilya kang matatakbuhan.

11. Nakakainis ang gumanap na Randy! Kinikilig na dapat ako kay Gian eh!

12. Tinamaan ako sa work-life balance. Buti na lang nagsimula na akong magbagong buhay.

13. Sometimes we invest our time and energy on the things that will not really matter at the end of our lives.

14. Yung mga product endorsements nakakasira ng moments!

Kung manunuod po kayo tapusin ninyo hanggang credits may dagdag pakwela pa dun.

Tawa-kilig-iyak. #AshLloyd namiss ko pero si Laida Magtalas!

No comments: