Wednesday, August 23, 2017
PAGLIPAY (Crossing)
Sa wakas napanuod ko din!
*In a world full of Lloydie and Empoy, I'll wait for my Atan :)
*Napakapersonal ng pelikulang ito sakin. Nung Grade 1 ako matapos pumutok ng Pinatubo nagkaroon ako nang pagkakataong makasama sa isang bubong ang isang Aeta. Biglang nag flashback lahat ng aming mga usapan. Napagtanto kong yun ang unang pagkakataon na nagtanong ako tungkol sa kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan . Sabi nga ni Ani, buti ka pa may choice ka.
1. Akala ko sobrang seryoso ng pelikulang ito hindi pala. Marami siyang masasaya at heartwarming na eksena. Andaling makarelate sa pinaghalong comedy at drama.
2. Bilang lumaki malapit sa ilog na niragasa ng lahar, nadama kong muli ang mga alaala ng will to survive ng mga kapatirang Aeta at ng iba pang naging apektado ng pagputok ng Pinatubo. Sabi nga Atan, sanayan lang.
3. Nasaksihan ko din ang pakikipagpalitan nila ng kalakal upang maitawid ang pang araw araw na buhay at mapunan ang kanilang mga pananagutan.
4. Bagamat nawala ang kanilang kabuhayan at ari-arian alam kong hindi nawala ang kanilang respeto sa kultura at kalikasan. Hindi nabura ng lahar at kahirapan ang dignidad nila sa sarili.
5. Maraming pagkakataon narinig ko ang pagkukumpara nila sa mga unat. At dama kong dama nila ang pagtingin ng mga unat sa kanila. Bagamat maraming efforts na matanggap at marecognize ang mga Aeta sa lipunan, may pressure pa rin to become acceptable lalo na sa mga taga lowlands.
6. Ilang palabas pa kaya ang gagawin upang marinig ang panawagan na maraming nawawalan ng kabuhayan dahil sa mga pagsasamantala sa kalikasan?
7. Andaming paalaala sa pelikulang ito. Nasalamin ang pagkakaiba sa paghandle ng emosyon ng mga naninirahan sa urban at rural. Kita din ang madalas nating insensitivity sa katahimikan ng komunidad.
8. Lahat ay daranas ng kalungkutan pero hindi ito permanenteng kondisyon. At lalong higit ang buhay ay nagpapatuloy lamang anuman ang sitwasyon. Ngumiti ka upang ngumiti din ang mundo sayo.
9. Minsan sa ating kalungkutan nakakaladkad natin ang iba. Sa kagustuhan nating maibsan ang sakit na ating nadarama nagiging unfair tayo sa iba bilang hindi natin nakokonsidera ang epekto neto sa kanila.
10. Para sa mga sunset lovers na tulad ko sobrang refreshing ng mga shots lalo na sa ganitong maulan na panahon.
11. Umiwas po tayo sa mga lalaking nagsisimula sa letter "J" dahil mga seen lord sila. Pero iwasan din ang mga babaeng nagsisimula sa letter "R", ang hirap hirap nilang mag move on. Kawawa naman. *labyoo friends*
12. Lahat tayo ay dumadaan sa Paglipay na bahagi ng ating buhay at may kanya kanya tayong paraan para makatawid.
**Dahil sa Paglipay bumalik ang mga magagandang alaala ko kasama ang mga kapatirang Aeta. Salamat Zig Dulay sa obrang ito at sa mga susunod pa!
Sa mga hindi pa nakakapanuod, SAYANG!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment